Ngayong magkakaroon na ng dwell stream ng imbestigasyon sa flood management initiatives scandal, makikita ng taumbayan kung tuluyang hindi na makikipagtulungan sa ICI ang mga Discaya
Nagpalakpakan ang mga tambay sa aming barangay nung lumabas ang balitang sa wakas ay magkakaroon na ng dwell stream ng mga pagdinig ng Unbiased Fee for Infrastructure (ICI). Matagal na naming inaabangan ‘yan, ang matunog na pagkakasundo ng umpukan.
Mula nung sumabog ang eskándaló ng trilyong pisong pangungulimbát sa DPWH, tumutok na ang taumbayan sa bawat pihit at gúlong ng mga imbestigasyon. Kumukulo ang dugo ng taumbayan sa bawat detalye ng pangungurakot. Eh paano naman kasi, ngayon lang tayo nakakita ng ganitong kalawak na nakawan sa gobyerno. Ubod ng mga suwápang sila.
Hindi naman sa pinagdududahan ng taumbayan ang pagkatao ng mga miyémbro ng ICI. Pero hindi masisisi ang mga Pinoy. Palibhasa nung araw, nagkaroon na rin ng mga imbestigasyon sa mga katakot-takot na pangungurakot sa pamahalaan. Kaso, halos lahat ng pagkalkal ay nauwi sa walang naparusahan o di kaya’y nakalusot pa rin ang mga kawatán. Sa isip-isip ng mga tao, lokohan na naman ba ito?
Pero ibang stage na nakawan itong usapan ngayon. Sukdulan na ito. At lalo pang tumitingkad ang kawalang-hiyaan dahil patuloy na lumulubog sa paghihirap ang taumbayan.
Halos lahat ng makausap ng tambay na ito, nagagalit. Maging ‘yung mga kasama kong mga senior citizen sa umpukan — mga lolo’t lola na pa-zumba-zumba tuwing umaga — ay sumasama na sa mga rali. Sila pa ang nagpapaalala sa mga lalahok sa kilos-protesta na magsuot ng puting t-shirt. Degree-up na ito, kasi dati hanggang daldal lang ang zumba seniors.
Kailan lang ay tumaas ang presyon ng zumba seniors sa mag-asawang Discaya. Nasabi kasi ng mag-asawang Curlee at Sarah na hindi na sila makipagtulungan sa ICI.
Ayon sa abogadong si Brian Hosaka, govt director ng ICI, nagpasabi na uncooked ang mga Discaya na pakikinabangan na nila ang kanilang “proper towards self-incrimination.” Ito ‘yung karapatan ng isang mamamayan na manahimik at huwag magsalita kung ang sasabihin niya ay magagamit laban sa kanya o makasásamá sa kanya.
Ayon kay Hosaka, umasa kasi ang mga Discaya na sila’y gagawing “state witness” sa mga kasong isasampa laban sa mga sangkot sa tinaguriang trillion-peso “flood management rip-off.”
Sa paghihimay naming mga tambay, nagtataka kami paano kaya pumasok sa isipan ng mga Discaya na sila’y magiging “state witness” samantalang sila itong mga naging ubod ng yaman sa sandaling panahon na naging kontratista sila ng DPWH. Naalala nung mga matatalim ang memoryang mga tambay na sa isang pagdinig ng Senate blue ribbon committee (BRC) nga pala nagkaroon ng mainit na diskusyon ukol sa matter na ‘yan.
Ito yung pagdinig ng BRC na si Senador Ping Lacson na ang chairman. Nagkaroon pa nga ng mainit na diskusyon si Ping at si Senador Rodante Marcoleta. Ang pinagmulan ng taasan ng boses ay ang pagkakasabi ni Lacson na tila dinedepensahan ni Marcoleta ang mga Discaya. Ngapala, si Marcoleta ang naunang BRC chairman bago si Lacson.
Medyo pino pa nga si Lacson sa komento niya. Kasi sa grupo naming mga nagmamarunong, ang pakiwarì nami’y parang abogado si Marcoleta ng mga Discaya. Nung pagdinig na ‘yun lahat senador na mabalásik ang pagtatanong sa mga Discaya ay sinalungat ni Marcoleta.
Kung tama ang pagkakaalala naming mga nagdudunong-dunungan, ang punto ni Marcoleta ay kalipikado sa witness safety program ng gobyerno ang mag-asawang bilyonaryong kontratista. Nung makailang ulit nabanggit na “magsauli muna ng perang kinamkam” ang mga Discaya bago isama sa “witness safety program,” nakailang ulit ding dali-daling sinasalungat ni Marcoleta ang mga ito. Ani nung rookie na senador, “wala sa batas ‘yan na dapat magsoli muna ng pera” or kaya’y parang “walang ganyang kondisyon” para maipasok na state witness. (BASAHIN: [Vantage Point] A harmful gambit: Discayas as state witnesses)
Nung sinabi ng midday ay kalihim ng Division of Justice Boying Remulla na ‘yang tinatawag sa Ingles na restitution o pagsauli ng ninakaw na bilyones ay inaasam ng taumbayan, agad tumugon si Marcoleta ng parang ganito: “’Wag mo baluktutin ang batas.”
Ngapala, kailan lang itinalaga na Tanodbayan (Ombudsman) si Boying Remulla. Pero bago inanunsiyo ang paglipat niya sa bagong puwesto, nagpahayag si Marcoleta ng tanong. ‘Ika ni Marcoleta, bakit taong bumabaluktot sa batas ang isa sa kinokonsiderang maging Tanodbayan? Sa madaling salita, hindi pa rin lumulubay si Marcoleta. (BASAHIN: Senator Rodante Marcoleta, the gentleman from Iglesia | The rise of Senator Rodante Marcoleta)
Pero bakit nga ba parang napakabigat sa mga Discaya ang magsoli ng pera. At kasabay n’yan, ano’ng relasyon meron si Senador Marcoleta at ang mga Discaya? Ano ba ang tinatakpan ni Marcoleta?
Nagtanong ang isa pang nagmamarunong: Humingi ba ng tawad ang mga Discaya sa bilyong pisong kabalastugan nila? Nag-sorry na ba sila?
Nagkuwento na si Curlee sa isang pagdinig ng Senado ng proseso kung paano kinukulimbát at pinagpapartehan ang pera sa mga proyekto ng DPWH. Naglabas na rin siya ng ilang pangalan ng mga pinagbibintangan niyang kasangkot sa nakawan. Pero hindi ko maalala kung humingi siya ng tawad sa sambayanan matapos niyang nilimás ang kaban ng bayan.
Ang usap-usapan naming mga tambay, matapos ang ilang buwan at ang maraming pagkakataon, baka nga hindi talaga nagsisi ang mga Discaya. Baka nga wala talagang balak magsauli. ‘Yung mga kinumpiska sa kanila ng ilang ahensya ng gobyerno ay sapilitang kinuha. Walang kusang loob o bukas sa dibdib na magsaulì. (PANOORIN: Discaya corporations received P207B in gov’t initiatives from 2016 to 2025 | BASAHIN: [Vantage Point] The Discayas’ wealth porn: Floods as judgment of corruption)
Sa palagay ng mga kasama kong mga dispalinghadong eksperto, wala talaga sa mga plano nina Curlee at Sarah ang sumailalim sa “restitution” — hanggat maaari, haharangin nila ang pagbabawas sa kanilang “kinita.” Wala silang balak humingi ng tawad, maliban siguro kung sasabihing kapag nakisama kayo sa gobyerno ay hindi ninyo kailangang isauli ang mga ninakaw.
At base sa mga huling pahayag nila, parang magmamatigas sila. Opkors, pinapayuhan sila ng mga abogado nilang de-kampanilya ukol sa mga susunod na galaw nila. ‘Yan ang mga páyo na “the perfect cash might purchase” kasi nga could pambayad sila, kahit na sa mata nating mga karaniwang mamamayan ay pera ng bayan ‘yan.
Kaya nga mahalagang pagkatapos ng Undas, tutukan ng taumbayan ang dwell stream ng pagdinig ng ICI. Dun lang natin matitiyak kung patungo nga sa katarúngang inaasam ang kahihinatnan ng mga imbestigasyon. – Rappler.com
