By using this site, you agree to the Privacy Policy and Terms of Use.
Accept
MadisonyMadisony
Notification Show More
Font ResizerAa
  • Home
  • National & World
  • Politics
  • Investigative Reports
  • Education
  • Health
  • Entertainment
  • Technology
  • Sports
  • Money
  • Pets & Animals
Reading: [OPINYON] Kung buháy si Emilio Jacinto ngayon sa gitna ng nakalululang korupsiyon 
Share
Font ResizerAa
MadisonyMadisony
Search
  • Home
  • National & World
  • Politics
  • Investigative Reports
  • Education
  • Health
  • Entertainment
  • Technology
  • Sports
  • Money
  • Pets & Animals
Have an existing account? Sign In
Follow US
2025 © Madisony.com. All Rights Reserved.
Investigative Reports

[OPINYON] Kung buháy si Emilio Jacinto ngayon sa gitna ng nakalululang korupsiyon 

Madisony
Last updated: December 23, 2025 8:38 am
Madisony
Share
[OPINYON] Kung buháy si Emilio Jacinto ngayon sa gitna ng nakalululang korupsiyon 
SHARE

[ad_1]

That is AI generated summarization, which can have errors. For context, all the time check with the total article.

Kapag umaasa táyo masyado sa mga bayani bilang downside solver o superhero ng bayan, parang kinukulang táyo sa sipag at sigla para lutasin mismo ang mga problema ng Filipinas

150 years previous na si Emilio Jacinto (1875–1899) noong Disyembre 15 . Kasama ang grupo ko, ang LIRA (Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo), sa mga nakiisa sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan dahil patron siya ng aming samahan ng mga makatang nagsusulat sa Filipino. Maraming mahalagang mensahe ang ibinahagi ng mga panauhin. Pero might napakò sa aking binigkas na matagal ko na ring naririnig at pinag-iisipan. 

Kung buháy pa si Jacinto ngayon…

Dahil might dambana siya at doon nakalibing, iniisip ko na lilitaw mula sa lupa si Jacinto. Kalahating buháy, kalahating patay. Naguguluhan siya dahil matagal nahimbing. At nakitingin at umaasa táyo sa kaniya para sa mga sagot. Isa siyang zombayani. 

Umaasa táyo tuwing sinasabi nating “kung búhay si [insert bayani here]” na might gagawin sila at magbibigay ng solusyon sa ating kasalukuyang kondisyon. Bakit kayâ might ganito táyong pagkahumaling sa mga zombayani? 

Una, ultimate kasi ang ating mga bayani. Ehemplo sila ng kung ano ang maaaring marating ng ating lahi. Henyo si Rizal. Matapang at matalinong rebolusyonaryo si Bonifacio. Si Jacinto ang kabataang manunulat na nagsilbing intelektuwal na puwersa ng Katipunan. Ikinakarga natin ang konsepto ng ultimate na Filipino sa ating mga bayani. 

Ikalawa, kaugnay ng ultimate ang kakulangan natin para sa mga hahangaan. Sino ba kasi ang mga hahangaan natin ngayon? Mga influencer at artista? Parang masyadong nakatuon sa pagkonsumo ng kasiyahan. Mga politiko? Ilang pahina kayâ ang mabubuo nating listahan ng mararangal na lingkodbayan? Sa madaling sabi, nililingon natin ang mga bayani dahil punông-punô ng mga distraksiyong mapanganib — ang tinatawag ni Jacinto na ningning — ang ating lipunan.

MABABASA / MAPAPANOOD DIN SA RAPPLER

“Ating hanapin ang liwanag, táyo’y huwag mabighani sa ningning.”

Pagtatangi ito ni Jacinto ng liwanag at ningning sa kaniyang akdang Liwanag at Dilim. Kailangan ng ating mata ang liwanag para kilatisin ang mundo sa paligid natin. Pekeng liwanag ang ningning na sumisira sa ating mata. Hindi ba hitik sa ningning ang ating paligid? Kumusta naman ang mata natin? Bakâ walang operasyong makasasagip dito. 

At iyon na rin mismo ang sagot. Dapat nating gamitin ang tatawagin kong Jacinto Lens. Kailangan nating mawari kung ano ang kinakailangan nating liwanag sa ningning. Kasama na rin diyan ang kadiliman. Isa pang tip: Puwede mo ring gamitin paminsan-minsan ang dilim kapag nakabubulag na ang ningning at liwanag.

Kayâ gamitin mo ang lenteng ito para makita kung sinisilaw lámang tayo ng mga influencer sa kanilang pakitang-rangya at mga aspirasyong hindi naman talaga makabubuti para sa atin. Kung niloloko lang din ng mga kurap ang ating paningin para ilihis ang ating atensiyon at patayin ang ating kritikal na pag-iisip habang patuloy nila tayong pinagnanakawan. 

Kahit ang zombayani mismo ay makinasyon ng ningning. Umaasa táyo masyado sa pisikal na pagkabuhay, sa bayani mismo bilang mahiwagang downside solver o superhero ng bayan. Masakit sabihin, pero parang kinukulang táyo sa sipag at sigla para lutasin mismo ang mga problema ng Filipinas kapag ganito ang ginagawa natin. 

Kapag ginamit natin ang Jacinto Lens, maaaring mawala ang mga naglalakad na zombayani sa ating mga kalye’t isipan. At ano ang makikita natin kapag ginabayan na ng liwanag? Ang napakaraming problemang dapat nating pagtuonan ng pansin at haharapin gámit ang tapang at haraya. 

Pero kung padadala táyo sa ningning at makikisama sa mga zombie, alam mo na ang mangyayari. Magiging zombie rin táyo. – Rappler.com

Sumusulat si Roy Rene S. Cagalingan ng mga tula at sanaysay. Kasapi siya ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA). Isa siyang manggagawang pangkultura.

[ad_2]

Subscribe to Our Newsletter
Subscribe to our newsletter to get our newest articles instantly!
[mc4wp_form]
Share This Article
Email Copy Link Print
Previous Article Are decrease mortgage rates of interest coming in 2026? Right here’s what specialists anticipate. Are decrease mortgage rates of interest coming in 2026? Right here’s what specialists anticipate.
Next Article Justice Division faces continued backlash over restricted Epstein recordsdata launch Justice Division faces continued backlash over restricted Epstein recordsdata launch

POPULAR

Airtel Money Eyes  Billion London IPO Amid Fintech Competition
business

Airtel Money Eyes $9 Billion London IPO Amid Fintech Competition

Airtel Money Eyes  Billion London IPO Amid Fintech Competition
Technology

Samsung Galaxy Phones May Soon Get Security Chips in Batteries

Kim Kardashian Stuns in Pink Bikini, Shares Date Night Moments with Lewis Hamilton
Entertainment

Kim Kardashian Stuns in Pink Bikini, Shares Date Night Moments with Lewis Hamilton

Andre Onana’s Fiery Recovery: Goalkeeper Embraces Unique Cupping Technique
Sports

Andre Onana’s Fiery Recovery: Goalkeeper Embraces Unique Cupping Technique

Legacy Piece Codes: September 2026 Freebies for Roblox Players
Technology

Legacy Piece Codes: September 2026 Freebies for Roblox Players

Ultra-Processed Foods Linked to Major Health Risks and Mortality
world

Ultra-Processed Foods Linked to Major Health Risks and Mortality

world

Blogger Jailed for Insulting Putin on Russian Ballot

You Might Also Like

Uwan downgraded to storm after landfall in Aurora as tremendous storm
Investigative Reports

Uwan downgraded to storm after landfall in Aurora as tremendous storm

Though the utmost sustained winds of Uwan (Fung-wong) are all the way down to 165 km/h within the early hours…

13 Min Read
LIVE UPDATES: Hurricane Paolo
Investigative Reports

LIVE UPDATES: Hurricane Paolo

LIVE UPDATES: Hurricane Paolo Hurricane Paolo (Matmo), the Philippines’ sixteenth tropical cyclone for 2025, is bringing reasonable to torrential rain…

3 Min Read
UN biodiversity treaty enters into drive, goals to guard 30% of oceans by 2030
Investigative Reports

UN biodiversity treaty enters into drive, goals to guard 30% of oceans by 2030

That is AI generated summarization, which can have errors. For context, at all times seek advice from the complete article.…

4 Min Read
54% of Filipinos need anti-dynasty regulation now
Investigative Reports

54% of Filipinos need anti-dynasty regulation now

Right now’s headlines: Anti-dynasty regulation, 2026 price range, Alex Eala Listed below are immediately’s headlines – the newest information within…

2 Min Read
Madisony

We cover the stories that shape the world, from breaking global headlines to the insights behind them. Our mission is simple: deliver news you can rely on, fast and fact-checked.

Recent News

Airtel Money Eyes  Billion London IPO Amid Fintech Competition
Airtel Money Eyes $9 Billion London IPO Amid Fintech Competition
November 4, 2026
Airtel Money Eyes  Billion London IPO Amid Fintech Competition
Samsung Galaxy Phones May Soon Get Security Chips in Batteries
November 4, 2026
Kim Kardashian Stuns in Pink Bikini, Shares Date Night Moments with Lewis Hamilton
Kim Kardashian Stuns in Pink Bikini, Shares Date Night Moments with Lewis Hamilton
September 23, 2026

Trending News

Airtel Money Eyes $9 Billion London IPO Amid Fintech Competition
Samsung Galaxy Phones May Soon Get Security Chips in Batteries
Kim Kardashian Stuns in Pink Bikini, Shares Date Night Moments with Lewis Hamilton
Andre Onana’s Fiery Recovery: Goalkeeper Embraces Unique Cupping Technique
Legacy Piece Codes: September 2026 Freebies for Roblox Players
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms Of Service
Reading: [OPINYON] Kung buháy si Emilio Jacinto ngayon sa gitna ng nakalululang korupsiyon 
Share

2025 © Madisony.com. All Rights Reserved.

Welcome Back!

Sign in to your account

Username or Email Address
Password

Lost your password?