That is AI generated summarization, which can have errors. For context, all the time confer with the complete article.
Mula ang gálit natin sa panlilinlang sa atin ng mga nása kapangyarihan. Mula ito sa pakiramdam na ninanakawan ka araw-araw ng pinaghirapan mo, ng panahon mo, ng lakas mo, ng karapatang mabúhay nang marangal. Gálit ito na maaaring magbunsod ng pagbabago sa sarili at sa lipunan. Kinakailangang gálit.
Ilang araw na lang at Pasko na. Abala na ang lahat sa paghahanda. Kaliwa’t kanan ang mga occasion. Naubos na marahil ang Christmas bonus. Punô na ang mga mall at tiyangge. Nabili o bibilhin pa lang ang mga nása wishlist. Kung estudyante ka, bakâ masayang-masaya ka sa mahaba-habang bakasyon. Pero could hindi dapat mawala sa gagawin nating pagdiriwang.
Gálit. Dapat nating dalhin ang gálit sa Pasko.
Gálit ito sa katiwalian sa pamahalaan. Gálit sa mga tiwaling nagpapakasarap sa yaman ng bayan. Gálit ito sa mga magnanakaw na dahilan kung bakit ganito ang kalagayan ng mahal nating Filipinas.
Pero bakâ sasabihin ng iba: Pasko naman. Dapat isantabi muna natin ito para magsaya at magdiwang. Pero bakit hindi?
Gusto ko sanang maghanap ng mga artikulasyon para sa gálit sa tulong ng aking paboritong gawain, ang paghahanap ng mga salita at konsepto sa matatandang bokabularyo. Napakaraming salita pala na could kinalaman sa gálit ang ating mga ninuno. Sa Vocabulario de la lengua tagala nina Noceda’t Sanlucar, could higit 300 salita táyo na could kaugnayan sa gálit.
Meron pa lang espesipikong kulam na nagdudulot ng gálit, ang bongsól. Bungsol na ito sa modernong diksiyonaryo. Posible kayâng ang mga tiwali at baluktot sa ating lipunan ang namumungsol sa atin para patuloy na magalit?
Kabaliktaran pala nito ang paggamit ng tagilubáy, isang halamang kasangkapan ng mga mangkukulam para humupa at mawala ang gálit. Bakâ sadyang pinaglalaruan lang talaga táyo ng mga mangkukulam.
O ang naramdaman ba natin ay galitgít lamang? Marahas na gálit na agad ring nawala. Hanggang ngayon naghahanap pa rin ako ng salita para sa gálit na nagtatagal. Gálit na nasa katuwiran dahil nanggagaling sa pangwawalang-hiyang dinadanas ng mga Filipino sa araw-araw.
Bakâ pinakamalapit na para sa pakiramdam ngayon ang gígis. Gálit ito ng isang could nais gawin pero hindi makausad dahil sa iba pang mga responsabilidad. Di ba ganoon táyo? Galít sa katiwalian, pero napakarami ring kaabalahan na naisasantabi na natin ito para sa susunod na malaking rally?
BASAHIN DIN SA RAPPLER
At kung hindi ko mahahanap ang salita, bakâ magiging mahinahon na lámang ako at mapapanatag sa pakahulugan ng mga Buddhist na isang nakababahalang emosyon ang gálit. Na kapag hinayaan mo ito ay parang could hawak kang patalim na kapuwa sumusugat sa kalaban at sa sarili mo.
Pero galít pa rin ako. At hindi ako mapanatag dahil wala ang akmang salita para sa gálit na nararamdaman. Kung hindi mahanap ang salita, gumawa na lang táyo ng pakahulugan: Mula ang gálit natin sa panlilinlang sa atin ng mga nása kapangyarihan. Mula ito sa pakiramdam na ninanakawan ka araw-araw ng pinaghirapan mo, ng panahon mo, ng lakas mo, ng karapatang mabúhay nang marangal. Gálit ito na maaaring magbunsod ng pagbabago sa sarili at sa lipunan. Kinakailangang gálit.
Pangngalan ito. Bigyan mo ng pangalan ang gálit mo. Káya mong gawing pandiwa. Pakilusin mo.
Kayâ sa akin, mas epektibo ang paninging isinisilang taon-taon si Kristo para baguhin ang kaayusan ng daigdig sa ating kamalayan. Naniniwala ako sa liberasyon ng isip na dulot ng anumang relihiyon. Na ginagabayan tayo ng ating pananampalataya upang gawin ang tama at ikabubuti ng kapuwa. Sa kaso natin, pumarito ang Mesiyas bitbit ang espada. At sino ba ang pinakaangkop humawak ng espadang iyon kasama Niya kundi ang taumbayang galít? Ang taumbayang pinananatili ang banal at kinakailangang gálit. Maligayang Pasko sa ating lahat. – Rappler.com
Sumusulat si Roy Rene S. Cagalingan ng mga tula at sanaysay. Kasapi siya ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) at editor ng Diwatáhan, isang onlayn na espasyo para sa mga akdang Filipino. Isa siyang manggagawang pangkultura.
