That is AI generated summarization, which can have errors. For context, at all times seek advice from the complete article.
Panahon na ba para itigil natin ang pagsusuot ng Filipiniana tuwing Buwan ng Wika?
Nása dulo na táyo ng Buwan ng Wika, at oras na para ibalik ang ating mga barong tagalog at baro’t saya sa mga kabinet. O kayâ isauli na ito sa mga pinaghiraman. Basta lang tiyakin na napalabhan o na-dry-clean, ha?
Nasyonalismong barong tagalog ang tawag natin sa ganitong madaliang pagsusuot ng Filipiniana tuwing Buwan ng Wika. Nagsusuot táyo para madama ang kapangyarihan ng pagiging Filipino. Siyempre, maghahamunan ng magsasalita ng “purong” Filipino. At umiigting ang pakiramdam natin ng pagkabansa sa paglahok sa iba’t ibang aktibidad natin para sa wikang Filipino.
At maghuhubad táyo para bumalik sa mga courting gawi. Tapos na kasi ang Agosto. Balik na ulit sa default na pagkiling sa Ingles. Hanggang sa susunod na taon na ulit kapag lumabas na ang tema ng pagdiriwang. Tapos isusuot na ulit natin ang ating pag-ibig sa bayan.
Kayâ nang isinusulat ito, naisip ko na dapat nang wakasan itong nasyonalismong barong tagalog. Mababaw. Superficial. Disposable pa nga. Parang wala ring ipinag-iba sa mga politikong nakabarong at ulit-ulit nagpoproklama ng pagmamahal nila sa bayan, pero kaban-kaban naman ang ninanakaw mula sa taumbayan.
(Ang mga politikong iyon at mga kasabwat pala muna ang dapat litisin.)
Pero kung maghuhubad nga táyo, di ba malamig iyon? Ano ang ipapalit natin?
Bakâ ang mainam, mas unawain pa ang mga kahulugan ng ating pagsusuot di lámang ng barong tagalog kundi ng Filipiniana sa pangkalahatan. At di lámang dapat tuwing Agosto magsusuot nito. Patuloy sanang makahanap ng puwang ang katutubong kasuotan natin kasama ng mga paborito nating Uniqlo, Levi’s, Nike, Mango, Muji, at kung ano pang banyagang model.
Nais ko ring ikompara ang trato natin sa Filipiniana sa ating mga bookstore. Madalas isang shelf lámang, minsan kaagaw pa ng ibang banyagang aklat ang mga aklat natin. Sa mga mall naman, isang sulok lang din ang Filipiniana kompara sa napakaraming puwang para sa branded at “western” na damit.
Ayoko ring maging “ultra-nationalist” ang datingan sa pagsasabi na Filipiniana lamang ang isuot. Ang pagsasari-sari pa nga o hybridity ng ating kultura ang dapat ipagdiwang. Ipares mo ang iyong barong sa maong. Magazine-rubber sneakers habang might balintawak. Napakarami pang malikhaing maaaring gawin sa ating kasuotan.
At kailangan din nating angkinin pa lalo at kilalalanin ang napakaraming kasuotan sa bansa. Tandaan lang na dapat unawain ang mga konteskto ng mga damit na isusuot. Bakâ maisuot mo, halimbawa, ang kumot na pampatay ng mga Ifugaw na tinatawag na gamong, o masobrahan sa disenyo ng isusuot na t’nalak. Napakainam kapag nása mga bilihan o tahian na magtanong. Kailangan din natin ang ibayong pag-iingat sa pagsusuot. Tandaan, isinusuot din natin ang kultura at kasaysayan ng ating mga katutubong kapatid. Di lang ito for the katutubo/indigenous look.
Kayâ siguro di naman talaga masama ang nasyonalismong barong tagalog. Lalo na kung mas nakikita natin ang sarikulay ng ating identidad rito. At kapag suot ito, hinahamon pa natin ang sarili na higitan pa ang mga pakitang-pag-ibig lámang sa bayan. Subukan mo na, at huwag nang hintayin ang susunod na Agosto. – Rappler.com
Sumusulat si Roy Rene S. Cagalingan ng mga tula at sanaysay. Kasapi siya ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) at editor ng Diwatáhan, isang onlayn na espasyo para sa mga akdang Filipino. Isa siyang manggagawang pangkultura.