Lagpas dalawampung taon nang nakatira at naghahanap buhay sa Ingglatera bilang edukadór si Edison David. Tubong-Tarlac siya kaya nabagabag siya nang mabasa niyang nangungulelat sa ‘studying comprehension’ ang mga batang Pinoy. Kaso dinedma ng mga taga-Pilipinas ang mga suggestion niya.
Salamat at natapos na ang 2025.
Para kasing napadalas na sa kalyeng bakô-bakô ang pinagdaanan ng tambay na ito noong nakalipas na taon. Hindi naman ako nagrereklamo. Sa edad kong ito at sa haba ng karanasan ko, sanay nakong tumanggap, o kaya’y umilag ng mga unhealthy information.
Kaya nga nung nakaraang linggo masasabi kong isa ako sa 89% ng Pinoy na bahagi ng 12 months finish Social Climate Survey ng SWS na could pag-asang hinaharap ngayong 2026 (89% of grownup Filipinos coming into the New 12 months with hope relatively than concern).
Nung magbalik-radyo ang tambay ilang buwan pa lang ang nakalilipas, halos araw-araw ang paksa namin sa programang Balita Kwento Serbisyo ay ang walang puknát na nakawan sa gobyerno. Nag-umpisa ang aming kuwentuhan sa Mary Grace Piattos-confidential funds na ayaw ipaliwanag ni Vice President Sara Duterte at ibinasura ang impeachment laban sa kanya. Lalo pang sumiklab ang balitaktákan nung naging isyu ang trilyon-pisong rip-off ng mga flood management undertaking.
Pero buti na lang, sa excellent news nagtapos ang 2025. Nung huling araw ng taon napasarap ang aming kuwentuhan dahil ang nakakuwentuhan ng BKS ay isang UK-based Filipino na maipagmamalaki natin.
At mas particular para sa tambay na ito ang panayam na iyun dahil, bukod sa proud ako sa kababayan natin, ipinagmamayabang kong nakatrabaho ko siya nung nag volunteer reporter siya sa Inquirer “a protracted, very long time in the past.”
Noong December 29, 2025, inanúnsiyó sa The Gazette sa London ang paghirang ni King Charles ng isang dakilang parangal kay Edison David. “THE KING has been graciously happy to provide orders for the next promotions in, and appointments to, the Most Wonderful Order of the British Empire: MBE… For companies to Schooling.”
Pure, mádalían naming hinagilap si Edison. Doon sa on-line ínterbiyú ng BKS kay Edison, siya na mismo nagpaalala sa akin kung saan at kailan unang nagsalubong ang landas namin. Isa siya sa anim sa senior journalism college students ng UST na sumama bilang volunteers na magkokober ng 1991 Manila Southeast Asian Video games (SEA Video games). Bukod sa mga taga-USTe, meron din anim na volunteers na taga-UP. Sportswriter naman ako ng pahayagang Inquirer nung panahong iyon.
Sa pagkakaalala ko, si Edison ang pinakamaliit at pinakapayat sa grupo ng mga studyante nung taong yun. Namukod tangi rin siya sa grupong iyon dahil siya ang could pinakamadaming naisulat na artikulo tungkol sa SEA Video games.
Habang nagkakasarapan sa panayam, nasabi ng co-host namin sa programa na si Winston Casio na sana ay maibahagi ni Edison ang kanyang kaalaman at karanasan sa British training para mapabuti ang edukasyon sa Pilipinas.
At doon naikuwento ni Edison na bago pa man siya magawaran ng MBE ng hari ng Inglatera, sumulat na siya sa ilang mga lider ng edukasyon sa Pilipinas. Ang nag-udyok sa kanya na lumiham ay ang United Nations report na nagsabing nangungulelat ang mga batang Pinoy sa larangan ng mga natututunan sa paaralan.
Pagkatapos niya ng kolehiyo, nagturo muna sa pampublikong paaralan sa bayan niya sa lalawigan ng Tarlac. Paglipas ng pitong taon, nagkaroon siya ng pagkakataong magturo sa London at doon na nga siya nagtungo. Pero kahit nasa ibang bansa na siya, ang puso ni Edison ay tumitibok para sa Pilipinas. Nasa isip pa din niya ang kalagayan ng batang Pinoy.
Naikuwento ni Edison na nabagabag siya noong nabasa niya ang ulat ng United Nations ukol sa kaáwa-awàng kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas, partikular sa kahinaan ng batang Pinoy sa pagunawa sa binabasa nito (studying comprehension). Nakakapagbasa sila (useful studying) pero hindi maintindihan ang binasa. “After I learn the report from the United Nations, I felt very captivated with it,” ika niya.
“And true to type, I wrote a letter to a variety of authorities officers, extending my suggestions, extending my strategies.”
Ang sabi ni Edison, tatlong matataas na opisyal ang pinadalhan niya ng liham. Una ay sa mayor ng Tarlac Metropolis, ang sarili niyang bayan. “I used to be pondering perhaps we will begin a pilot in Tarlac, and if it turns into profitable we will pilot it within the regional, then we will roll it out nationally. I didn’t hear again from them.”
Pangalawang sinulatan niya si Senador Bam Aquino, na bukod sa taga-Tarlac din ay, sabi ni Edison: “As a result of I believed he has a ardour for training. I gave them a construction in order that they legislate on Phonics (system) as the right manner of instructing. I haven’t heard from them both.
“The final individual I’ve written to is his excellency the Philippine ambassador to London and I’ve given them a tough copy of the letter. I despatched it to the fee… I haven’t heard from them as nicely.”
Tatlong liham. Tatlong rekomendasyón sa tatlong lider na nasa posisyon na could magagawa para sa edukasyon. Walang pumansin kay Edison. Parang nakipag-usap siya sa pader.
Sa mahigit dalawampung taon niyang pagtuturo at maging administrador ng mga paaralan sa London, malaki ay naimbag si Edison sa bansang Inglatera. At si King Charles mismo ang nakapansin. Kaya mula sa araw ng kanyang investiture na bilang kasapi Most Wonderful Order of the British Empire, lagi ng idudugtong ang mga inisyal na “MBE” sa kanyang pangalan.
Sana naman, kasi nga 2026 na, magbagong buhay na ang mga could kapangyarihan maisayos ang sistema ng edukasyon ng Pilipinas. Sana maging búkas ang kanilang isipan at magamot na ang kanilang pagkabingi. Dahil kung makikinig lang sila sa mga mungkahi ng mga ekspertong nais tumulong, ang batang Pinoy ang panalo. – Rappler.com
Si Chito de la Vega ay Tambay ng Rappler dalawang beses kada buwan. Kasama rin siya sa mga anchor-host ng programang Balita Kwento Serbisyo ng DZME 1530.
