By using this site, you agree to the Privacy Policy and Terms of Use.
Accept
MadisonyMadisony
Notification Show More
Font ResizerAa
  • Home
  • National & World
  • Politics
  • Investigative Reports
  • Education
  • Health
  • Entertainment
  • Technology
  • Sports
  • Money
  • Pets & Animals
Reading: [Tambay] Kaypalad ni Duterte sa The Hague
Share
Font ResizerAa
MadisonyMadisony
Search
  • Home
  • National & World
  • Politics
  • Investigative Reports
  • Education
  • Health
  • Entertainment
  • Technology
  • Sports
  • Money
  • Pets & Animals
Have an existing account? Sign In
Follow US
2025 © Madisony.com. All Rights Reserved.
Investigative Reports

[Tambay] Kaypalad ni Duterte sa The Hague

Madisony
Last updated: October 12, 2025 10:05 am
Madisony
Share
[Tambay] Kaypalad ni Duterte sa The Hague
SHARE


Tila bangungot ang nakaraang linggo sa mga taga-Davao Oriental. Hindi ako magtataka sa pagkabalisá ng mga tao roon.

Kung tutuusin, maaaring masabing bilang isang Pinoy ay sanáy ang tambay na ito sa mga pagyanig ng lupa. Kumbagá, hindi bago sa akin ang makaramdam ng lindol. At tanggap na natin na walang makapagsasabi kung kailan ang susunod na lindol sa ‘Pinas (o kahit saan sa daigdig). Dati na rin nating naririnig ‘yang “Pacific ring of fireside,” ang teritoryo sa paligid ng Karagatang Pasipiko na pugad ng lindol at mga bulkan.

Pero, naku po! ‘Yang doublet earthquake na humambalos sa Davao Oriental, aray! Wala ni isa sa mga tambay na nakausap ko ang nagsabing nakaranas na sila ng ganyan — kambal na lindol o parang magkapatid na sipa ng kabayo. P’wede rin magkasunod na kaliwa’t kanang suntok ni Pacquiao. Dalawang mega-lindol ang humagupit sa isang araw. 

Parang naka-overtime ngayon ang mga taga-Phivolcs (Philippine Institute of Volcanology and Seismology) dahil sa tila pakyawang dagsa ng lindol sa atin. Nagpaliwanag agad ng Phivolcs na dati na tayong niyayanig ganyang pangyayari — ang doublet earthquake. 

Kinakabahan tuloy ako. Dati na pala? Bakit parang naninibago sa tawag na doublet earthquake? Pati ang mga kasama kong tambay, bumilis din ang kabog sa dibdib. Pare-pareho pala ang nasa isip namin: Saan kaya kami — tayo — pupulutin kapag tumamà rito ang 2-in-1 na sakunang iyan?

However, wait, there’s extra! Ayon sa Phivolcs, meron din palang tinatawag na “multiplet earthquake.” Iyan ‘yung higit sa dalawa — “a sequence of a number of earthquakes of very related magnitude that happen intently collectively in each time and area” (sabi sa Wikimedia).

Sa kaso ng Davao Oriental, ang kambal na pagyanig ay nangyari nitong Biyernes, October 10. Bago mag-ika-10 ng umaga ‘yung unang lindol na could lakas na magnitude 7.4. Sinunandan ito ng magnitude 6.8, pasado ika-7 ng gabi.

Samantala, sa kabilang dako ng mundo, habang nahihilo pa ang mga Davaoeño, nagbaba ng desisyon ang Worldwide Prison Court docket (ICC) sa The Hague sa the Netherlands. Tinanggihan ng ICC ang hiling ni relationship pangulong Rodrigo Duterte na pansamantalang mapalaya. Si Duterte ang kasalukuyang mayor ng Davao Metropolis, at dahil nakapiit sya ngayon sa The Hague, ang anak niyang si Baste na vice mayor ang “performing” mayor ng lunsod.

Sa paghihimay ng lupon ng mga pseudo-expert, kung saan bangka ang barbero kong si Bernie, nahalata ng mga husgado ng ICC na nambobola lang ang mga abogado para sa depensa ni Tatay Digs. Napansin ng grupo na, sa apela sa ICC, maraming ipinangako si matandang Duterte. Nagkasundo silang wala namang tinupad na pangako si Tatay. Mahilig pa sa joke solely. Ang sabi pa nga ng isang lokong tambay, panay ang kilatis niya sa larawan ni Duterte nung unang humarap ito sa ICC. At ang tingin niya’y naka-joke solely mode si Tatay sa pics na ‘yan. 

Ang isa pang nakatawag sa pansin ng mga pseudo-expert, na puro could mga edad na rin at malalakas ang mga boses dahil hirap magkarinigan, ang paghingi ni Duterte ng “humanitarian consideration.”

Naalala ko tuloy iyong resolusyon ng Senado nung October 1 na nakikiusap sa ICC na kahabagan ang relationship pangulo at payagang isailalim na lang sa “home arrest” muna habang nilitis ang kaso niyang “crimes towards humanity.” Iyang “home arrest” na ganyan ay estilo ng mga makapangyarihan na Pinoy na umiiwas na mapiit dito. Eh uso rin kaya ang “home arrest” sa The Hague? 

Gayumpaman, medyo umalma ang lupon ng mga tambay. Ginamit kasi ng apela ni Duterte, at pati mga senador natin, ang salitang “kahabagan” ang matanda. Ang tanong daw: Alam ba ni Tatay Digs ang ibig sabihin ng “humanitarian consideration”?  

Buti na lang, walang bigat at mistulang mensahe lang ang resolusyon ng Senado. Sa madaling salita, hindi papansinin. ‘Ika nga sa mga balita, bakit papansinin iyang resolusyon ng Senado ng Pilipinas, eh hindi nga tayo kasapi ng ICC?

Astig kasi Tatay nung panahon niya sa Palasyo. Proud siya na midday sa pag-agos ng dugo sa mga lansangan. Rule of regulation daw ang pinaiiral nila. Nung panahon ng COVID lockdown, merong matandang jeepney drayber ang nagprotesta dahil hindi sila pinagbibiyahe. Paano na ang ikabubuhay nila, tanong nung lolo? Ikinulong ‘yung drayber, dahil nga bawal din magpagala-gala sa kalye nung pinaiiral ang lockdown. Nalaman ito ng midday ay pangulong Duterte, pero di niya pinagbigyan ang mga nakiusap na pakawalan ‘yung lolo tsuper. 

Pero, sa akin, ang pinakamatingkad na halimbawa ng kalupitan at pagkawalang habag ni Tatay Digs ay nung hindi man lamang siya kumilos sa kaso ni Child River Nasino. Basahin ‘nyo rito ang ulat ni Rappler reporter Lian Buan sa malungkot na sinapit ng maikling buhay ni Child River at ang hinagpis ng nanay niyang si Reina Mae Nasino. Bagamat nasa kamay ng korte ang kumilos sa pangyayaring ito, kung meron man lang katitíng na habag ang mga nasa luklúkan ng kapangyarihan, could nagawa sana sila para magkasama ang inosenteng si Child River at ang ina niyang nakakulong.

Matapos ipasa ng Senado ang October 1 resolusyon nito, nabasa ko sa social media na “innocent” na uncooked ang 80 anyos na si Tatay Digs, sabi ni Senador Bong Go. Op kors, si Senador ay isa sa 15 senador na pumabor sa decision. Nauunawaan ko si Senator Go — matagal at malalim ang pinagsamahan nila ni Tatay. Hindi pa “innocent” si Tatay, nasa tabi na niya si Senator Go. Sabi pa nga ng isang spin, si Go pa uncooked ang taga-tiklop ng kulambo ni Tatay. 

Tandang tanda ko nung unang tumakbo sa Senado si noo’y particular assistant Bong Go. Nakatapal sa buong paligid ng metropolis corridor ng Mandaluyong — as in, lahat ng poste — ang mga poster ni Bong Go. At maging sa out of doors bulletin board ng PCSO workplace, nag-iisang mukha niya ang nakabalagbag sa harap. Bawal ‘yun, sa pagkakaalam ko. Pero. natapos ang halalan, nandun ‘yung mukha niya. Naikuwento ko lang.

Ganito na lang, kagalang-galang na Senator Go: Kung si Tatay Digs mismo ang hihingi ng awa, dapat makinig tayo at pag-isipan. Kasi nga bahagi ng magandang asal na itinuro ng Pinoy ang pagbibigay-pugay sa nakatatanda. Pero kung hindi naman hinihingi ‘yan ni Tatay mismo, ‘wag na ninyo pag-aksayahan ng panahon.

Kung tutuusin, dapat magpasalamat si Duterte sa pagbasura ng mga husgado ng ICC sa hiling niya. Dapat magpasalamat siya sa mga ingay na ginagawa ng diehards niya. Dahil sa kanila, mas nakumbinsí ang ICC na panatilihin si Duterte sa primera-klaseng bilanggúan sa The Hague. Dahil sa pamimilit ng mga diehards na could sakit na si Duterte, mga pangunahing manggagamot sa Europa ang titingin sa kanya. Nadadalaw pa siya ng pamilya niya, tulad ni Vice President Sara Duterte, na halos doon na nakatira at hindi na hinarap ang mga akusasyon ng korupsiyon ukol sa kanyang “confidential funds.”

At, higit sa lahat, kung susumahin ang sitwasyon ng relationship pangulo, hamak na mas maganda at protected ang kinalalagyan niya ngayon. Malinis at kumpletong gamit, libreng pagkain (na sigurado akong mas masarap sa kinakain ng mga Bilibid boys dito), libre laundry, could pa-doktor pa. 

Sigurado ring matibay ang gusaling piítan, dahil hindi sub-standard. At, oo nga pala, medyo malabong magkaroon ng doublet o a number of earthquakes sa The Hague. At the very least, wala pa naman. – Rappler.com

Subscribe to Our Newsletter
Subscribe to our newsletter to get our newest articles instantly!
[mc4wp_form]
Share This Article
Email Copy Link Print
Previous Article California lady, 69, seeks Dave Ramsey’s recommendation after her husband misplaced their total M nest egg sports activities playing California lady, 69, seeks Dave Ramsey’s recommendation after her husband misplaced their total $1M nest egg sports activities playing
Next Article Ought to You Cancel Xbox Sport Cross? The whole lot to Know on the Worth Hikes and New Options Ought to You Cancel Xbox Sport Cross? The whole lot to Know on the Worth Hikes and New Options

POPULAR

Kremlin warns the West over ‘dramatic’ escalation second in Ukraine struggle
Politics

Kremlin warns the West over ‘dramatic’ escalation second in Ukraine struggle

Specialised S-Works Levo 4 Electrical Mountain Bike Evaluate: The Finest Electrical Mountain Bike
Technology

Specialised S-Works Levo 4 Electrical Mountain Bike Evaluate: The Finest Electrical Mountain Bike

Qantas says buyer knowledge launched by cyber criminals months after cyber breach
Investigative Reports

Qantas says buyer knowledge launched by cyber criminals months after cyber breach

Charges fall 19 foundation factors in 3 months
Money

Charges fall 19 foundation factors in 3 months

Denmark vs Greece: Find out how to Watch, Odds, WCQ Preview
Sports

Denmark vs Greece: Find out how to Watch, Odds, WCQ Preview

Amy Poehler performs a combative Pam Bondi on ‘SNL’ as Tina Fey makes shock look
National & World

Amy Poehler performs a combative Pam Bondi on ‘SNL’ as Tina Fey makes shock look

Phillipson: Universities should sort out antisemitism
Politics

Phillipson: Universities should sort out antisemitism

You Might Also Like

Microsoft Didn’t Disclose Key Particulars to U.S. Officers of China-Primarily based Engineers, Report Exhibits — ProPublica
Investigative Reports

Microsoft Didn’t Disclose Key Particulars to U.S. Officers of China-Primarily based Engineers, Report Exhibits — ProPublica

ProPublica is a nonprofit newsroom that investigates abuses of energy. Signal as much as obtain our greatest tales as quickly…

14 Min Read
Some North Dakota Lawmakers Say Change Is Wanted to Defend Oil and Gasoline Royalty Homeowners — ProPublica
Investigative Reports

Some North Dakota Lawmakers Say Change Is Wanted to Defend Oil and Gasoline Royalty Homeowners — ProPublica

This text was produced for ProPublica’s Native Reporting Community in partnership with the North Dakota Monitor. Join Dispatches to get…

11 Min Read
Gilas Youth survives Indonesia for 1st win in FIBA U16 Asia Cup
Investigative Reports

Gilas Youth survives Indonesia for 1st win in FIBA U16 Asia Cup

That is AI generated summarization, which can have errors. For context, all the time confer with the complete article. Prince…

3 Min Read
Ohio Chaplain Ayman Soliman Freed From Jail as DHS Drops Deportation Case — ProPublica
Investigative Reports

Ohio Chaplain Ayman Soliman Freed From Jail as DHS Drops Deportation Case — ProPublica

ProPublica is a nonprofit newsroom that investigates abuses of energy. Signal as much as obtain our greatest tales as quickly…

9 Min Read
Madisony

We cover the stories that shape the world, from breaking global headlines to the insights behind them. Our mission is simple: deliver news you can rely on, fast and fact-checked.

Recent News

Kremlin warns the West over ‘dramatic’ escalation second in Ukraine struggle
Kremlin warns the West over ‘dramatic’ escalation second in Ukraine struggle
October 12, 2025
Specialised S-Works Levo 4 Electrical Mountain Bike Evaluate: The Finest Electrical Mountain Bike
Specialised S-Works Levo 4 Electrical Mountain Bike Evaluate: The Finest Electrical Mountain Bike
October 12, 2025
Qantas says buyer knowledge launched by cyber criminals months after cyber breach
Qantas says buyer knowledge launched by cyber criminals months after cyber breach
October 12, 2025

Trending News

Kremlin warns the West over ‘dramatic’ escalation second in Ukraine struggle
Specialised S-Works Levo 4 Electrical Mountain Bike Evaluate: The Finest Electrical Mountain Bike
Qantas says buyer knowledge launched by cyber criminals months after cyber breach
Charges fall 19 foundation factors in 3 months
Denmark vs Greece: Find out how to Watch, Odds, WCQ Preview
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms Of Service
Reading: [Tambay] Kaypalad ni Duterte sa The Hague
Share

2025 © Madisony.com. All Rights Reserved.

Welcome Back!

Sign in to your account

Username or Email Address
Password

Lost your password?