By using this site, you agree to the Privacy Policy and Terms of Use.
Accept
MadisonyMadisony
Notification Show More
Font ResizerAa
  • Home
  • National & World
  • Politics
  • Investigative Reports
  • Education
  • Health
  • Entertainment
  • Technology
  • Sports
  • Money
  • Pets & Animals
Reading: [Tambay] Mga Discaya at kanilang kinita: Not sorry, no sauli
Share
Font ResizerAa
MadisonyMadisony
Search
  • Home
  • National & World
  • Politics
  • Investigative Reports
  • Education
  • Health
  • Entertainment
  • Technology
  • Sports
  • Money
  • Pets & Animals
Have an existing account? Sign In
Follow US
2025 © Madisony.com. All Rights Reserved.
Investigative Reports

[Tambay] Mga Discaya at kanilang kinita: Not sorry, no sauli

Madisony
Last updated: October 26, 2025 10:00 am
Madisony
Share
[Tambay] Mga Discaya at kanilang kinita: Not sorry, no sauli
SHARE

[ad_1]

Ngayong magkakaroon na ng dwell stream ng imbestigasyon sa flood management initiatives scandal, makikita ng taumbayan kung tuluyang hindi na makikipagtulungan sa ICI ang mga Discaya

Nagpalakpakan ang mga tambay sa aming barangay nung lumabas ang balitang sa wakas ay magkakaroon na ng dwell stream ng mga pagdinig ng Unbiased Fee for Infrastructure (ICI). Matagal na naming inaabangan ‘yan, ang matunog na pagkakasundo ng umpukan. 

Mula nung sumabog ang eskándaló ng trilyong pisong pangungulimbát sa DPWH, tumutok na ang taumbayan sa bawat pihit at gúlong ng mga imbestigasyon. Kumukulo ang dugo ng taumbayan sa bawat detalye ng pangungurakot. Eh paano naman kasi, ngayon lang tayo nakakita ng ganitong kalawak na nakawan sa gobyerno. Ubod ng mga suwápang sila.

Hindi naman sa pinagdududahan ng taumbayan ang pagkatao ng mga miyémbro ng ICI. Pero hindi masisisi ang mga Pinoy. Palibhasa nung araw, nagkaroon na rin ng mga imbestigasyon sa mga katakot-takot na pangungurakot sa pamahalaan. Kaso, halos lahat ng pagkalkal ay nauwi sa walang naparusahan o di kaya’y nakalusot pa rin ang mga kawatán. Sa isip-isip ng mga tao, lokohan na naman ba ito?

Pero ibang stage na nakawan itong usapan ngayon. Sukdulan na ito. At lalo pang tumitingkad ang kawalang-hiyaan dahil patuloy na lumulubog sa paghihirap ang taumbayan.

Halos lahat ng makausap ng tambay na ito, nagagalit. Maging ‘yung mga kasama kong mga senior citizen sa umpukan — mga lolo’t lola na pa-zumba-zumba tuwing umaga — ay sumasama na sa mga rali. Sila pa ang nagpapaalala sa mga lalahok sa kilos-protesta na magsuot ng puting t-shirt. Degree-up na ito, kasi dati hanggang daldal lang ang zumba seniors.

Kailan lang ay tumaas ang presyon ng zumba seniors sa mag-asawang Discaya. Nasabi kasi ng mag-asawang Curlee at Sarah na hindi na sila makipagtulungan sa ICI. 

Ayon sa abogadong si Brian Hosaka, govt director ng ICI, nagpasabi na uncooked ang mga Discaya na pakikinabangan na nila ang kanilang “proper towards self-incrimination.” Ito ‘yung karapatan ng isang mamamayan na manahimik at huwag magsalita kung ang sasabihin niya ay magagamit laban sa kanya o makasásamá sa kanya.

Ayon kay Hosaka, umasa kasi ang mga Discaya na sila’y gagawing “state witness” sa mga kasong isasampa laban sa mga sangkot sa tinaguriang trillion-peso “flood management rip-off.”

Sa paghihimay naming mga tambay, nagtataka kami paano kaya pumasok sa isipan ng mga Discaya na sila’y magiging “state witness” samantalang sila itong mga naging ubod ng yaman sa sandaling panahon na naging kontratista sila ng DPWH.  Naalala nung mga matatalim ang memoryang mga tambay na sa isang pagdinig ng Senate blue ribbon committee (BRC) nga pala nagkaroon ng mainit na diskusyon ukol sa matter na ‘yan.

Ito yung pagdinig ng BRC na si Senador Ping Lacson na ang chairman. Nagkaroon pa nga ng mainit na diskusyon si Ping at si Senador Rodante Marcoleta. Ang pinagmulan ng taasan ng boses ay ang pagkakasabi ni Lacson na tila dinedepensahan ni Marcoleta ang mga Discaya. Ngapala, si Marcoleta ang naunang BRC chairman bago si Lacson.

Medyo pino pa nga si Lacson sa komento niya. Kasi sa grupo naming mga nagmamarunong, ang pakiwarì nami’y parang abogado si Marcoleta ng mga Discaya. Nung pagdinig na ‘yun lahat senador na mabalásik ang pagtatanong sa mga Discaya ay sinalungat ni Marcoleta. 

Kung tama ang pagkakaalala naming mga nagdudunong-dunungan, ang punto ni Marcoleta ay kalipikado sa witness safety program ng gobyerno ang mag-asawang bilyonaryong kontratista. Nung makailang ulit nabanggit na “magsauli muna ng perang kinamkam” ang mga Discaya bago isama sa “witness safety program,” nakailang ulit ding dali-daling sinasalungat ni Marcoleta ang mga ito. Ani nung rookie na senador, “wala sa batas ‘yan na dapat magsoli muna ng pera” or kaya’y parang “walang ganyang kondisyon” para maipasok na state witness. (BASAHIN: [Vantage Point] A harmful gambit: Discayas as state witnesses)

Nung sinabi ng midday ay kalihim ng Division of Justice Boying Remulla na ‘yang tinatawag sa Ingles na restitution o pagsauli ng ninakaw na bilyones ay inaasam ng taumbayan, agad tumugon si Marcoleta ng parang ganito: “’Wag mo baluktutin ang batas.”

Ngapala, kailan lang itinalaga na Tanodbayan (Ombudsman) si Boying Remulla. Pero bago inanunsiyo ang paglipat niya sa bagong puwesto, nagpahayag si Marcoleta ng tanong. ‘Ika ni Marcoleta, bakit taong bumabaluktot sa batas ang isa sa kinokonsiderang maging Tanodbayan? Sa madaling salita, hindi pa rin lumulubay si Marcoleta. (BASAHIN: Senator Rodante Marcoleta, the gentleman from Iglesia | The rise of Senator Rodante Marcoleta)

Pero bakit nga ba parang napakabigat sa mga Discaya ang magsoli ng pera. At kasabay n’yan, ano’ng relasyon meron si Senador Marcoleta at ang mga Discaya? Ano ba ang tinatakpan ni Marcoleta?

Nagtanong ang isa pang nagmamarunong: Humingi ba ng tawad ang mga Discaya sa bilyong pisong kabalastugan nila? Nag-sorry na ba sila? 

Nagkuwento na si Curlee sa isang pagdinig ng Senado ng proseso kung paano kinukulimbát at pinagpapartehan ang pera sa mga proyekto ng DPWH. Naglabas na rin siya ng ilang pangalan ng mga pinagbibintangan niyang kasangkot sa nakawan. Pero hindi ko maalala kung humingi siya ng tawad sa sambayanan matapos niyang nilimás ang kaban ng bayan. 

Ang usap-usapan naming mga tambay, matapos ang ilang buwan at ang maraming pagkakataon, baka nga hindi talaga nagsisi ang mga Discaya. Baka nga wala talagang balak magsauli. ‘Yung mga kinumpiska sa kanila ng ilang ahensya ng gobyerno ay sapilitang kinuha. Walang kusang loob o bukas sa dibdib na magsaulì. (PANOORIN: Discaya corporations received P207B in gov’t initiatives from 2016 to 2025 | BASAHIN: [Vantage Point] The Discayas’ wealth porn: Floods as judgment of corruption)

Sa palagay ng mga kasama kong mga dispalinghadong eksperto, wala talaga sa mga plano nina Curlee at Sarah ang sumailalim sa “restitution” — hanggat maaari, haharangin nila ang pagbabawas sa kanilang “kinita.” Wala silang balak humingi ng tawad, maliban siguro kung sasabihing kapag nakisama kayo sa gobyerno ay hindi ninyo kailangang isauli ang mga ninakaw. 

At base sa mga huling pahayag nila, parang magmamatigas sila. Opkors, pinapayuhan sila ng mga abogado nilang de-kampanilya ukol sa mga susunod na galaw nila. ‘Yan ang mga páyo na “the perfect cash might purchase” kasi nga could pambayad sila, kahit na sa mata nating mga karaniwang mamamayan ay pera ng bayan ‘yan.

Kaya nga mahalagang pagkatapos ng Undas, tutukan ng taumbayan ang dwell stream ng pagdinig ng ICI. Dun lang natin matitiyak kung patungo nga sa katarúngang inaasam ang kahihinatnan ng mga imbestigasyon. – Rappler.com

[ad_2]

Subscribe to Our Newsletter
Subscribe to our newsletter to get our newest articles instantly!
[mc4wp_form]
Share This Article
Email Copy Link Print
Previous Article Nexperia guardian Wingtech warns of ‘money stream threat’ regardless of 280% surge in quarterly revenue Nexperia guardian Wingtech warns of ‘money stream threat’ regardless of 280% surge in quarterly revenue
Next Article AI would be the final peacekeeper in household disputes AI would be the final peacekeeper in household disputes

POPULAR

Estée Lauder Seeks Buyers for Beauty Lines Amid Puig Merger
business

Estée Lauder Seeks Buyers for Beauty Lines Amid Puig Merger

Trump: Iran’s Uranium Removal Mostly PR in Nuclear Talks
top

Trump: Iran’s Uranium Removal Mostly PR in Nuclear Talks

Labour Faces Leadership Shake-Up After Election Losses
top

Labour Faces Leadership Shake-Up After Election Losses

Claude Mythos AI Discovers Critical Vulnerabilities in Hours
Technology

Claude Mythos AI Discovers Critical Vulnerabilities in Hours

Data Shows Burnham’s Chances Against Reform in Makerfield Vote
Politics

Data Shows Burnham’s Chances Against Reform in Makerfield Vote

MLPI ETF Delivers 14% Yield in Tax-Efficient Energy Infrastructure
business

MLPI ETF Delivers 14% Yield in Tax-Efficient Energy Infrastructure

Trump and Xi’s Matching Suits Test Chameleon Effect in Beijing
world

Trump and Xi’s Matching Suits Test Chameleon Effect in Beijing

You Might Also Like

AIRA LABS, the Leni Robredo-endorsed AI agency with huge ambitions
Investigative Reports

AIRA LABS, the Leni Robredo-endorsed AI agency with huge ambitions

Some quotes have been translated from Filipino to English for brevity. Synthetic intelligence this, synthetic intelligence that — my feed…

17 Min Read
Tesla to supply self-driving software program solely on month-to-month foundation from February 14, Musk says
Investigative Reports

Tesla to supply self-driving software program solely on month-to-month foundation from February 14, Musk says

That is AI generated summarization, which can have errors. For context, at all times discuss with the total article. At…

2 Min Read
What’s Omi Wagyu, and why is it preferrred for yakiniku?
Investigative Reports

What’s Omi Wagyu, and why is it preferrred for yakiniku?

Omi Wagyu is a part of the identical elite group of Japan’s 'Sandai Wagyū' or 'Three Nice Wagyu,' alongside Kobe…

6 Min Read
A increase constructed on worry
Investigative Reports

A increase constructed on worry

Gold and silver are on a tear — breaking information and defying gravity. Gold has soared previous $4,100 an oz.,…

12 Min Read
Madisony

We cover the stories that shape the world, from breaking global headlines to the insights behind them. Our mission is simple: deliver news you can rely on, fast and fact-checked.

Recent News

Estée Lauder Seeks Buyers for Beauty Lines Amid Puig Merger
Estée Lauder Seeks Buyers for Beauty Lines Amid Puig Merger
May 15, 2026
Trump: Iran’s Uranium Removal Mostly PR in Nuclear Talks
Trump: Iran’s Uranium Removal Mostly PR in Nuclear Talks
May 15, 2026
Labour Faces Leadership Shake-Up After Election Losses
Labour Faces Leadership Shake-Up After Election Losses
May 15, 2026

Trending News

Estée Lauder Seeks Buyers for Beauty Lines Amid Puig Merger
Trump: Iran’s Uranium Removal Mostly PR in Nuclear Talks
Labour Faces Leadership Shake-Up After Election Losses
Claude Mythos AI Discovers Critical Vulnerabilities in Hours
Data Shows Burnham’s Chances Against Reform in Makerfield Vote
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms Of Service
Reading: [Tambay] Mga Discaya at kanilang kinita: Not sorry, no sauli
Share

2025 © Madisony.com. All Rights Reserved.

Welcome Back!

Sign in to your account

Username or Email Address
Password

Lost your password?