Madalas ganito ang nangyayari sa ‘the most effective and the brightest’ Filipino youth. Nagsisikap sila, nagtatagumpay sa pag-aaral. Pero, pagkatapos, ni hindi natin mabigyan ng matinong hanapbuhay.
Malamang, sa mga babad sa social media at sinusundan ang nakalululàng pagtaas ng presyo ng petrolyo sa bawat araw, pamilyar ka kay Alkindal J. Amil.
Siya ‘yung gasoline attendant na nag-viral ang interview sa isang Fb submit ng RMN Zamboanga. Pinagsailta si Amil sa newsclip tungkol sa malá-kuwitis na paglipad ng halaga ng gasolina, diesel, at iba pang produktong petrolyo. Sa tinatawag na situationer interview, tinanong ang gasoline boy: “Bakit mahal na naman ang gasolina?”
Napanood ng tambay na ito sa isang chat group ang pagsagot ni Amil. Doon sa clip sa GC, ang intro remark ay: “Yown, mas magaling pa ang gasolina boy magpaliwanag kaysa kay Ante.” Pero, teka, bago ituloy ng tambay ang pagkukuwénto, hihingi na muna ako ng paumanhín kay Amil at sa publiko. Inaamin kong kaya ko na-click ‘yung clip dahil ang buong akala ko ay katatawanan ang mapapanood ko. Sorry na po.
Sa halip, napamangha ako sa pagpapaliwanag ni “gasolina boy.” Nabasag ang aking “expectations.” At ang daglîng reaksiyón ko sa GC namin: “Ang klaro ng paliwanag at kalmado. Hindi minamaliit ang viewers. P’wedeng vitality usec ito.”
Nag-viral si Amil at halos nagkasundo ang lahat na “the true deal” siya at hindi isang pabíbo o kaya’y pasikat lamang. Mayroon ding mga nagduda at inakalang gawa ng “aritificial intelligence” ‘yung nagsasalitang “gasolina boy.” Pero, hindi po, actual human intelligence po iyon.
Kinabukasan, could nabasa akong isang Amil reveal submit. Ito ay ‘yung public FB submit ng isang Atty. Alman-Najar Namla. Ang sabi ni Namla, si “gasolina boy” ay constant honor pupil mula pa nung elementarya. Nagtapos si Amil ng kolehiyo na isang cum laude noong 2016 sa Mindanao State College, Sulu.
Khinz ang palayaw ni Amil, at supervisor pala siya nung gasolinahan. Ngunit, dagdag ni Atty. Alman-Najar: “Khinz himself proudly owns the title of pump attendant, gasoline boy on his profile. These are his phrases, not ours. We use them out of respect for the way he chooses to determine his work, to not diminish him.”
Nung malaman ng mga nakahuntahan ko sa GC ang mga dagdag na detalye tungkol kay Khinz, halos pare-pareho ang pumasok sa isipan namin. Ika nga nung isa: “Cum laude. From MSU Sulu. Na gasoline pump attendant. Pilipinas, maling-mali ang sitwasyon na ‘to!” Sinundan agad ng isa: “Tapos si Robin Padilla Senador???!?”
Sang-áyon ang tambay na ito sa mga opinyóng ito. Nasabi ko sa GC: “Maling-mali talaga [ang ganitong sitwasyon].” Kasi naman, bakit nga ba nagkaganoon? At madalas ganito ang nangyayari sa “the most effective and the brightest” Filipino youth. Pinag-aaral natin sa mga state college ang magagaling na mga kabataang Filipino. Nagsisikap sila, nagtatagumpay sa pag-aaral. Pero, pagkatapos, ni hindi natin mabigyan ng matinong hanapbuhay. Maaari silang magkaroon ng trabaho sa gobyerno, pero hindi ito ang nangyayari. Sino ang napupunta sa gobyerno? Sino ang ibinoboto? ‘Yung sikat, ‘yung “tama” ang apelyido.
Mga botante tayo pare-pareho at “da surv” natin ang matino at matapat na serbisyo ng gobyerno.
Sayang. Ang dami nating sinasayang na magagaling na Filipino.
Bilang isang nagmamarunong, natutumbok ng tambay na ito ang isa sa malalaking problema ay iyang mga political dynasty. Kasi nga, ang ganda ng credentials mo sa pag-aaral. Nagkaroon ka man ng karanasan sa pagsisilbi. Maaasahan at masipag ka. At, higit sa lahat, hindi ka korap, hindi ka magnanakaw. Kaso, iba ang iyong apelyido. Hindi ka kamag-anak ng naghaharing pamilya. Wala kang pag-asa.
Tawag diyan sa Inglés ay “misplaced alternative.” Paliwanag ng Gemini, AI device ng Google, ang misplaced alternative ay “the hole between what is and what may have been if a selected motion had been taken.” Sa Pilipinas paulit-ulit ang ganitong sitwasyon, parang pálagían nating inuumpóg ang sarili natin sa pader. Iyan ang bukol na dulot ng pangungunsinti natin sa political dynasties.
Sa pananaw ni Winston Casio, na could mahabang karanasan sa pagiging edukador bukod sa pagiging courting director ng Presidential Anti-Organized Crime Fee, ang kalagayan ni Khinz ay “one in every of many displaying the shortage of job alternatives even for many who are above common faculty graduates. The absence of enough jobs for our faculty graduates exhibits that our leaders must push for industrialization by localized manufacturing. If the federal government continues to push for labor exportation and enterprise course of outsource varieties of jobs then would possibly as effectively shut a big variety of schools and universities as a result of the market will be unable to soak up their graduates into the job market.”
‘Nga pala, ayon sa huling nasagap ko, inaalok si Khinz ng trabaho ng Civil Aeronautics Board bilang “transportation regulation officer.” Isang taong kontrata uncooked, at could posibilidad na maging common place. Naninimbang pa uncooked si Khinz, pero, sabi ng CAB, nakareserba na ang trabahong iyan sa kanya sakaling magpasya siyang kunin ito.
PAHAPYAW: Madami pang naganap noong nakaraang linggo na hindi na maikukuwento nang mahabaan ng tambay. Tulad ng unang anibersaryo ng pagkakapiit ni courting pangulong Rodrigo Duterte sa utos ng Worldwide Legal Courtroom sa The Hague. Ang pag-aresto ay pinamunuan ng noo’y pulis pang si Nicolas Torre. Birthday din pala ni Torre nung araw na iyon.
‘Yung debate nina Senator Ping Lacson at Rodante Marcoleta. Dalawang bagay sana ang masarap pag-piyestahan. Might ipinakitang video si Lacson, kung saan sa sariling programa ni Marcoleta ay sinabi nitong tumanggap siya ng ng milyones na pera sa mga kaibigan niya nung nasa Kongreso pa siya. Donasyon daw iyon, sabi ni Marcoleta sa on-line program niya. Tinanong din ni Lacson si Marcoleta: sa usaping West Philippine Sea, ano ba ang paninindigan niya?
Sayang, nawalan na rin tayo ng espasyong pag-usapang ang cuteness ni Punch the macaque. Baka subsequent time na lang. – Rappler.com
Si Chito de la Vega ay Tambay ng Rappler dalawang beses kada buwan. Kasama rin siya sa mga anchor-host ng programang Balita Kwento Serbisyo ng DZME 1530.

![[TAMBAY] Si ‘gasolina boy’ ng Zamboanga [TAMBAY] Si ‘gasolina boy’ ng Zamboanga](https://www.rappler.com/tachyon/2026/03/GASOLINA-BOY.jpg)